Huwebes, Marso 19, 2015

# Paghusga



Magkaiba po tayo ng pananaw sa pagmamarka  at pagtatasa.Binabatay po natin ang ating pagmamarka  mula sa pagtatayang ating ginawa at mga nakitang indikasyon ng kanilang  pagkatuto.Malinaw na nirerekord po natin ang kanilang pag-unlad sa pagkatuto.Nagmula rin sa pamantayan ang pagtingin natin sa paghuhusga i.e. Quiz-15%,Oral participation-15%,Good-83-88% ,A-95-100% ,75%-passed ,etc.  Tayo ang nagtatakda  sa mga marka at responsible po tayo sa mga ito.Kaya nga,pagkatapos ng pagtataya,gumagawa tayo ng pagtatasa,kung saan  tinitingnan natin ang mga  mahihirap na  mga kasanayan  at gumagawa tayo ng mga aksyong mai-angat ang mga kasanayang ito. 

Ang problema lang natin ay magka-iba po tayo ng mga learners,kaya nga binabasi sa mga uri ng mga learners ang kurikulum,pagtuturo at pagtatasa.Iyan din ang dahilan kung bakit may tinatawag tayong sectioning ng mga klase,hinihiwalay natin ang mga malulusog sa mga mahihina.Kaya nga sa isang heterogeneous  na grupo,nakikita ang kakaunti na kagalingan.Tulad  sa isang grupo o tribu,magkakatulad ang kanilang anyo ng pagkatuto  at hangarin kaya may  Special education,IP at Multicultural education. At iyan din ang dahilan kung bakit magkaiba ang pagtingin natin sa mga estudyante at graduates ng isang unibersidad sa isa pang unibersidad o kolehiyo dahil ang bawat estudyante ay kumukuha ng admission test bago makapasok sa unibersidad o kolehiyo.At sa pananaw na ito,kapag maganda at mahusay  na paaralan,mahuhusay  din ang mga guro.Pwede ba nating sabihing mga bobo ang mga  gurong nagtuturo sa mga liblib na lugar o sa pangkalahatang pampublikong paaralan?Wala po tayong personal na pamantayan,binabasi po natin ito sa mga learners.Kaya nga,iisipin mong magagaling ang mga learners na pumapasok sa isang magaling na paaralan dahil magagaling ang kanilang mga learners.Kaya marapat sigurong suriin natin ang ating mga  nagdaang education courses tungkol sa perspektiba at teorya ng pagkatuto para magabayan tayo sa pagtataya at pagtatasa.Pero pasensya  na po talaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento