Biyernes, Pebrero 22, 2013

Walang Kwenta
 SANDRO J. REBADIO

Ang bawat dikta ng bawat ugat sa utak,
naiipon bilang memorya,
Ang bawat kilos na naayon iyong pasya at lisya,
Sinasang-ayonan ng iyong utak.

Ang mga salita’y makapangyarihan,
Pumapasok diretso sa utak
Sumusugat lampas sa likod ng puso
Umaagos ang mga dugo ng kawalan

Namamatay ang imahe
Nawawala ang katinuan
Natataranta ang kilos ng utak
Hanggang namatay na ang mga salita.

Kahit anong pilit mong sumigaw
Walang ponemang lumalabas
Lumalayo ang mga hayop
Dahil takot mahawa sa vayrus .

Kung makapagsalita man ang isang pipi,
Maaaring ganito ang sasabihin nya:
Meron akong paliwanag
Makinig kayo sa akin,
Ganito ang nangyari.


February 5, 2013

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento