Biyernes, Pebrero 22, 2013

 Untitled
reply ni Aemee Love Blancz .(February 5,2013).mula sa www.facebook.com/sandro.rebadio .

Maaring sa naranasan ay di nababanaag,
Ang katahimikan na inaasam,laging nababagabag
Oo nga't maliit na boses pihadong walang lamang,

Pagsubok lang yan maiituring
Wag padadala.

May kwenta ,usad hakbang ,pagaspas ,pagtitiis.
Pasasaan ba at sa dulo ay tiyak na walang mintis.
Sir Sandro sa ating pagpapalitan ng korokorong dinaan sa tula,
Ako'y umaasa,
Na ang mga bumabasa
Pahapyaw man,may nakukuha,
Na mensahe tungkol sa May Kwenta at Wala.

Maaring kahibangan para sa iba
Pero habang ako nagsusulat ng animo parang tanga
Napapangiti na lang habang nakahiga
Pagod lang ata at tila sa pagidlip ay di pa rin iniimbita.

Isa lang ang masasabi
Pakinggan at isaisip
Maging positibo at wag padadaig
Dahil isa ang tiyak sa lahat ng nasambit
Ako ay tiyak na nakakarelate.

Mabilis man ang pagsulat
Tumatakbo ang isip habang nakamulat
Ilang minuto lang naisip ang mga ito
Pero ang alam ko ,sana iyong napagtanto
Pagsubok lang ang lahat ng ito.
Magandang Gabi Sir Sandro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento