Biyernes, Pebrero 22, 2013

Paglilitis sa kawawang maliit
SANDRO J. REBADIO
 

Ginalugad ninyo sya pababa
nilimas nyo pati kahuli hulihang sentimo at hininga nya
di nyo pinatawad pati mukha nga
tinadyakan mo sya ng todong todo

Sa kanyang pagpupumilit na maka igpaw
pati dulo ng sinulid ng buhok niya.
di pinalampas

Nahayag sa madla
walang malay
walang mukha
kaawa awa

pinilit ninyo siyang tumayo
dinuro duro
hinampas ng bagyo sa silangan
nagpupumiglas ngunit di makawala
di makapagsalita


February 22,2013

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento