Biyernes, Pebrero 22, 2013

Elihiya kay Lolong

Kahit di kami nagkita nang personal,
Nagkausap, nagkatuwaan at nagkasama,
Batid ko na malapit siya sa akin.

Ipinagmalaki at sinisimbolo ng nakakarami
Mga bata,matanda,local, at foreigner,
Lahat gustong makita sya
Kung gaano sya kayaman

Mula ng naging sikat,
Walang patid ang kanyang bisita
Makita lang sya,buo ang araw nila.
May litrato pa sila hanggang sa pag-uwi nila.

Di tulad ni Coco Martin na direktang kumikita
Ang kasikatan nya ay biyaya at yaman nila.
Habang di sya malayang makahinga sa sobrang dami ng show
Namamatay ang kanyang kinagawian.

Habang siya’y nakalitaw sa maliit at mainit, na kanlungan
Nanunuot ang singaw ng lupa at hangin sa buong katawan nya.
Ibig nya sana makalaya sa ganitong kasikatan at bumalik sa dati
Ngunit ito’y pangarap lamang

Siya’y alipin na nila
Mula ng siya’y’y madiscover ni direk at producer
May balak pa ngang mag over da bakod sya sa Manila
Kaso di nya alam ang balak ni direk

Maghihintay nalang siya ng panahon
Ngunit di nya na kinaya.
Gusto na niyang magpahinga
Siguro pagod na siya sa mainit at maliit na kanlungan.


February 11,2013

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento